PARA sa muli niyang pagtakbo bilang alkalde ng Lungsod ng Malaboan sa darating na 2025 elections, naghain na si incumbent Mayor Jeannie Sandoval ng kanyang certificate of candidacy (COC), Huwebes ng hapon sa ground floor ng Robinson Townmall, Brgy. Tinajeros.
Dumagundong ang malakas na hiyawan at tilian ang sumalubong sa akalde mula sa kanyang daan-daang taga-suporta na may bitbit pang mga placards nang pumasok na siya sa malk, kasama ang asawang si dating Cong. Ricky Sandoval na nauna ng naghain ng kanyang COC para tumakbong kongresista ng lungsod, ka-tandem na si Edward Nolasco at mga kaanib na konsehal ng Team Kakampi na kinabibilangan ni Konsehal Leslie Gutierrez Yambao.
Matapos ang paghahain ng kanyang kandidatura, nagpasalamat ang alkalde sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagtiwala sa kanya, kasabay ng pangakong mas lalung pag-ibayuhin ang pagsisilbi at tiniyak na wala isa man ang maiiwanan.
Ayon kay Mayor Jeannie, tuloy-tuloy lang ang gagawin niyang paglilingkot at masugid na pagsisilbe para sa mga taga malabon dahil layunin aniya niya ang umahon ang pamumuhay ng lahat ng kanyang mga kababayan sa Malabon.
“Bilang Ina ng lungsod ng Malabon, nasaksihan ko ang hirap at problema ng mga kababayan. Kaya naman sa pag-upo ko sa aking unang termino, ipinaramdam ko ang tulong na nararapat para sa mga Malabueño” ani Mayor Sandoval.
Aniya na mula sa pagkakaroon ng Malabon Blue Card ay abot kamay nadin ang pagkakaroon ng bahay at palupa ay naghatid din siya ng iba pang programa sa kalusugan, edukasyon, at livelihood programs sa mga Malabueño.
“Mga mahal kong Malabueño, patuloy sa pagsusumikap ang iyong lingkod na magkaroon ng disente at komportableng buhay para sa inyong lahat dahil kayo ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para maipagpatuloy ko ang pagseserbisyo dito sa ating bayan” pahayag pa ni ng alkalde.
Samantala, nagpasalamat din si Konsehal Yambao sa kanyang mga supporters na palaging nariyan para sumuporta sa kanya.
“Marami pong salamat sa ating mga nakasama at sa patuloy na sumusuporta dahil nakasama ko po muli kayo sa mga ganitong pagkakataon. Ituloy-tuloy po natin ang paghahatid ng Serbiyong Tunay at Tapat para sa bawat mamamaya ng Malabon at sa bawat Batang Malabon,” ayon kay Quiambao.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI