November 18, 2024

MAYOR NG TERESA, RIZAL TINAMBANGAN

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang Rizal PNP sa ikinasang COBWEB para sa agarang ikadarakip sa mga suspek na responsable sa pamamaril sa driver at bodyguard ni Taresa Rizal mayor Raul Palino.

Sa inisyal na report ng Teresa PNP kay Rizal Provincial director Renato Alba, dakong alas 5:05 nang hapon ng pagbabarilin ng 3 di pa nakikilalang suspek ang puting Toyota Hiace na sasakyan ng alkalde na may plate nr A9S 147 sa kanto ng E Rodriguez Avenue Brgy., Poblacion Teresa Rizal.


Sugatan sa pamamaril si security officer ni Palino na nakilalang si Ruel Santos y Javier 44 y/o residente ng Brgy May iba Teresa Rizal at ang kanyang driver na si Joel Balajadia y Quation 38 anyos habang hindi naman tinamaan ang alkalde.


Sa kuha nang CCTV ng Barangay Poblacion, makikitang parating ang sasakyan ni Palino galing sa gawi ng munisipyo at nung paliko na sa kanto ng Pilipinas Avenue makikitang tumakbo ang nakaputing suspek pasunod sa sasakyan sumunod ang nakaitim na sweater at isa pang nakaitim na damit na nakasuot ng shortpants na pang ibaba.

Makikita rin sa footage na sunud-sunod na tumakbo pabalik ang mga suspek matapos ang pamamaril, makikita rin na binato pa ng isang bystander ang mga tumatakbong suspek patungo sa gawi ng Barangay May-Iba.

Narecover naman sa crimescene ang mga basyo ng bala at slug mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Samantala, mariing kinundina ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ang nangyaring pananambang kay Teresa Mayor Raul Palino.

Naglaan din ng cash reward ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at pagkakakilanlan ng mga suspek at para sa agarang paghuli sa mga ito. Felix Tambongco