NAGPAPASALAMAT ang muling nagbabalik na si Atty. Christian Natividad bilang alkalde ng Malolos, Bulacan sa naging mainit na pagtanggap ng mga residente sa isinagawang sortie ng grupong Agila sa Barangay Longos.
Sobra ang naging kagalakan ni Natividad dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang grupo ng mga taong naghintay at sumalubong sa kanila para makamayan at masilayan ang kanilang pambato na susunod na alkalde ng naturang bayan.
Si Natividad ay dating three-term mayor ng Malolos, Bulacan at nagsilbi rin bilang chairman ng Optical Media Board (OMB).
Ayon din sa Philippine News Agency, si Natividad ay isang Hall of Famer bilang Most Outstanding City Mayor ng Pilipinas, isang natatanging award na ipinagkaloob ng Association of Social Welfare and Development Officers of the Philippines.
Sa kanyang termino, nakamit ng Malolos City ang Seal of Good Housekeeping at itinuturing na isa sa pinakaligtas na lungsod sa Pilipinas, ayon sa ulat ng PNA.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY