
Pinagmulta ng P500 si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos mahuling walang suot na helmet matapos lumahok sa Cycle to End Violence Against Women bike event.
Paliwanag ni Belmonte galing siya sa naturang event nitong Huwebes kasama si Cherie Atilano ng UN Food System Champions nang sila ay parahin ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety ng lungsod dahil wala silang suot na helmet.
Ayon sa alkalde, dumating siya sa lugar na nakahelmet ngunit ibinigay niya ito sa isang participant sa VAW bike event na walang helmet.
“I commend our DPOS for strictly implementing our ordinance kasi wala silang sini-sino kapag nagpapatupad ng batas,” ayon kay Mayor Belmonte.
Sa ilalim ng city ordinance, kailangan magsuot ng helmet ang mga bikers sa Quezon City para na rin sa sarili nilang kaligtasan.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF