Labis na nagpapasalamat si Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula kay Rizal Governor Nini Ynares dahil sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Taytay PNP Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay Mayor Joric, ang pagpapatayo ng mga nabanggit na gusali ay nirequest niya kay Rizal Governor Nini Ynares.
Aniya, nabanggit niya kay Gov. Ynares at sa esposo nito na si former Governor Ito Ynares ang payak na pagsisimula ng Taytay PNP.
“Gov, alam n’yo po ba na noong Police Station ng ay ginawa— ang pulis sa Taytay ay nasa kuwarenta lang. Panahon pa ‘yan ni Mayor Rico Rufino saka ni Mayor Valera. Mga nasa forties palang ang pulis nun,” ani Mayor Joric sa ETaytay News sa panayam ni Vice Mayor Mitch Bermundo.
“ Pero ngayon, two hundred na ang ating pulis. Gayundin ang ating bombero ay nadagdagan. So, ni-request natin na magkaroon ng bagong police station ang ating bayan,” dagdag nito.
Giit pa ng alkalde, hindi nagdalawang salita si Gov. Ynares. Tinuran nito kay Mayor Joric na dalhin agad ang mga request pati ang design. Naikasa ang pagpapatayo ng gusali matapos makipag-usap ang alkalde kay Engr. Louie Monson.
Kung kaya, labis na natuwa ang alkalde ng naipatayo na ang pinakamalaki at pinakamagarang PNP at BFP ng bayan ng Taytay. Ipinagmamalaki rin niya ito dahil sa ganda at linis nito.
Nagpasalamat naman si VM Bermundo sa kagandahang loob ni Gov. Nini Ynares dahil sa pagsuporta nito sa proyekto ng nasabing bayan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA