December 24, 2024

MAYOR ISKO INAPRUBAHAN FACE-TO-FACE CLASSES SA 4 UNIBERSIDAD

INAPRUBAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang request ng apat pang eskwelahan na ituloy ang limitadong  face-to-face-classes para sa kanilang medical at health programs.

Ipagpapatuloy ang klase ng University of the Philippines – Manila, Emilio Aguinaldo College, PHINMA St. Jude College at National University alinsunod sa Commission on Higher Education and Department of Health Joint Memorandum Circular No. 2021-001.

Una nang inaprunabahan ang medical programs sa University of Santo Tomas para ipagpatuloy ang physical classes.

“I trust everyone to follow the health protocols. Mas gusto ko ‘yung kayo ang magkusang disiplina,” saad ni Moreno.

Hinimok din ng alkalde ang mga paaralan na mabakunahan ang lahat sa kanilang mga campus laban sa COVID-19.

Aniya, possible ito kapag ibinigay ang go-signal upang mabakunahan ang mga nasa kategoryang A4.

“It now includes all workers who are required to go outside their their homes to perform their jobs. Kaya pwede na ang halos lahat. Antabayanan lang natin ang announcement na pwede na ang A4 and, of course, when vaccines are available.” dagdag pa ni Domagoso.

Tiniyak din ni Domagoso sa mga kinatawan ng mga paaralan na ang LGU sa pamamagitan ng Manila Health Department (MHD)ay susuporta sa kanilang pangangailangan sakaling may magpositibo sa kanilang campus.

“We want to make you feel that Manila is a good place to live in. Mapapanatag ko man lang ang damdamin ninyo araw-araw.” dagdag pa ni Domagoso. BOY LLAMAS