Dumalo sina Manila Mayor Isko Moreno, Chinese Ambassador Huang Xillian at Congressman Yul Servo sa turnover ceremony ng bagong China-Philippines Friendship Park na idinonate ng tatlong major Filipino Chinese business at cultural federation sa Maynila na matatagpuan sa tabi ng multi-billion peso Binondo-Intramuros Bridge na idinonate ng China sa Pilipinas.
Pinuri rin nina Mayor Moreno, Ambassador Huang at Dr, Lim ang bagong parke at ang tulay bilang simbolo ng higit 1,000 taon na pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan noong hapong iyon, nagpatuloy pa rin ang programa, kung saan sinabi ni Moreno na: “The rains symbolize blessings for us Filipinos, like this event and like these donations to the people of Manila City by the Filipino Chinese organizations and the bridge donation by China”.
Inilarawan din ni Ambassador Huang na ang ulan ay simbolo ng swerte sa Chinese tradition, at ang tanging hiling niya ay magkaroon ng magandang kapalaran ang Maynila at ng buong Pilipinas.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR