INAASAHANG magiging matindi ang tunggalian sa pagka-mayor sa Maynila para sa paparating na Halalan 2025.
Ang tatlong nangunguna sa listahan ng mga Manilenyo ay sina Mayor Honey Lacuna, ang pinalitan niya sa puwesto na si Isko Moreno at ang congressman at negosyanteng si Sam Verzosa.
Sa totoo lang, noong mahalal bilang alkalde ng Maynila, hinangaan na natin si Mayor Honey Lacuna dahil sa kanyang magagandang programa at proyekto para sa mga taga-Maynila.
Kaya nga ganoon na lamang siya minahal ng mga taga-Maynila partikular ng mga senior citizens.
‘Yan siguro ang dahilan kung bakit magaan ang pamumuno ni Mayor Lacuna sa lungsod.
Actually, idineklara ni Lacuna na patuloy niyang susuportahan ang social amelioration programs, patunay na hindi niya pababayaan ang kanyang mga kababayan. Ayos!
Lalarga na rin ang P1,000 (mula sa dating P500) ang monthly allowance ng mga senior citizens ngayong Enero, 2025, base sa nilagdaang ordinansa ni Lacuna.
Si Lacuna ay dating vice mayor ni Isko mula 2019 hanggang 2022.
Nagkahiwalay sila ng landas ni Isko nang mangarap itong maging pangulo ng Pilipinas. Kaya lang tinalo siya ni Pangulong Bongbong Marcos kaya hanggang pangarap na lang siya. Saklap!
At sa pagbabalik ni Isko sa Maynila, tila nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Lacuna.
Feeling kasi ni Lacuna, ‘na-traydor’ siya ni Isko. Ganun?!
Basta tayo bilib tayo sa pamumuno ni Lacuna at higit sa lahat ang pagiging tandem nila ni Vice Mayor Yul Servo.
Ibang klase ang liderato nilang dalawang, walang sapawan – ang mayroon ay magkaagapay na tulungan.
At para sa ibang aspirants para pagka-mayor sa Maynila na sina actor Raymond Bagatsing, Mahra Looraine Cator Tamondong ng Kilusang Bagong Lipunan at Michael Say ng Ilocano Defenders gayundin ang mga independent candidates na sina Enrico Ferrer Ocampo, Ervin Stewart Koa Tan, Enrico Docot Reyes, Alvin Karingal at Jerry Garcia, good luck na lang sa inyo!
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS