NAGSAMPA ng kaso sa Office of the Ombudsman sa Quezon City ang mga residente ng Marilao, Bulacan kasama ang kanilang legal counsel laban kay Mayor Henry Lutao at iba pang opisyal.
Inakushan nila ang mga opisyal ng grave misconduct, serious dishonesty at iba pang administrative offences kaugnay sa maling pamamahagi ng relief aid para sa mga biktima ng Bagyong Carina.
Ayon sa kanila, imbes na ibigay ang nakakahon na relief goods sa mga taong nasalanta ng bagyong Carina ay ni-repack pa ang laman nito at inilagay sa plastik na may logo at pangalan ni Mayor.
Dagdag pa nila, kasuklam-suklam ang ginawa ng opsiyal ng munisipyo dahil imbes na sila ang tumulong ay pinagnakawan pa sila sa gitna ng unos at bagyo na rumagasa sa ating bayan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA