Ipinatawag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga kinatawan Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Converge para bigyan ng “huling babala” upang tugunan ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan.
Ito ay makaraang ulanin ng reklamo ang alkalde ukol sa koneksyon ng internet mula sa mga Valenzuelano nitong nagdaang kapaskuhan.
Bago ito ay sa social media ibinuhos ng alkalde ang pag-usok ng kanyang bumbunan dahil lumalabas na ginagawa siyang utusan ng PLDT.
“PLDT Cares I’m turning into your errands boy…people are lodging their complaints and concerns on my twitter account bec you guys refuse to act on your clients concerns. I don’t work for you!!! Your boss doesn’t pay for my salary!!! Sige lang, push me some more. Let’s see what happens. Sobrang daming complaints vs PLDT and Converge,” sabi sa post ng alkalde sa social media.
Noong unang bahagi ng Disyembre ay binantaan at tinuluyang suspendihin ni Gatchalian ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation. Bunsod nito ay nagkaroon ng toll holiday sa lungsod na nagwakas lamang noong Disyembre 16 ngunit patuloy ang “barriers up” sa mga toll plazas sa lungsod mula 5 am hanggang 10 pm.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna