
MULING binisita ni Mayor-elect Cong. John Rey Tiangco ang mga nasunugan sa Sitio Puting Bato sa Brgy. NBBS Proper na sa pagtatala ng CSWDO ay umabot sa 106 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Namahagi din si Cong. JRT, katuwang ang CSWDO ng mga relief packs, hygiene kits, at sleeping kits. Nagbigay rin sila ng kanyang kapatid na si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya.
Anila, tuloy-tuloy pa ang pagtala ng mga pangalan ng bawat pamilyang nasunugan para sa maayos na paghatid ng iba pang tulong na kanilang kailangan.


More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City