
MATAPOS lumaban ng championship sa Sinag Liga Asya kamakailan sa Metro Manila, magpapakitang-gilas naman ang Sea Lions ni sports patron Jemuel Laron sa ķnyang balwarteng Mindoro Occidental ngayong summer.
Sa timon ni dating PBA player/ coach Winnie Arboleda makikipag bakbakan muli ang powerhouse Sealions na kakatawan sa Brgy New Dagupan sa Calintaan Occidental Mindoro sa pakikipagtulungan ni Kapitan Chavez at Sk Gerald Bautista na binubuo ni Brgy Kagawad Fernando Ducos at ang mga manlalarong sina
Shane Paulo Prado,John Allen Panoy,Bong Guilas,Denver Zamora,Denden Zamora,Mar Eliab,Jansen Tomoco,Gerome Calera,BJ Recto, Vince Quiñones, JB Banay, Marco Ducos,Rod Gaitan,Julius Prado at August Gatay.
Ayon kay team owner Laron ,may pasiklab din siyang mga bigating import tulad nina Lebrwrong James at iba pang mga black reinforcements at handa pa sya Ng mag-padala gg ibang bigatin at kilala sa ligang labas.
“Kung ang Sinag Liga Asya ay para sa nationwide na palaro at binigyan natin (Sealions) ng magandang laban ang mga malalakas na katunggali doon, đito naman sa Mindoro ay hindi lang laban o kalaban, ang gusto natin ay mabigyan ng kasiyahan ang mga kababayan nating taga- Mindoro sa larangan ng quality basketball lalo na ang mga taga- Calintaan pari na ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro,”wika ni Laron na laging hinahawakan ang Brgy New Dagupan ni Capt Chavez, SK Gerald Isla at mentor/ coach Kagawad Ducos. (DANNY SIMON)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC