PINARANGALAN ng Quezon City Council sina Mayor Joy Belmonte at City Treasurer Edgar Villanueva maging ang buong tanggapan ng departamento ng pananalapi ng lungsod
Ito’y dahil sa pananatili ng QC na may highest tax collection hindi lamang sa siyudad kundi sa buong bansa para sa taong 2023-2024.
Halos tatlong taon nang nakakatanggap ng pagkilala ang tanggapan ng Quezon City Treasurer Office at si Villanueva maging si Mayor Belmonte dahil sa maayos na pamamalakad ng pananalapi ng lungsod.
Naniniwala naman si Villanueva na hindi magagawang pataasin ang koleksyon ng lungsod kung walang tulong ng mga empleyado ng City Treasurer Office .
“I want to take this opportunity na magpasalamat din sa City Council… kasi without the city council giving us the proper tool or equipment… Like the enactment of different ordinances in terms of implementation of… And enforcing tax collection. Hindi natin magagawa yung mataas ang ating collection. So malaki ang utang na loob ko sa City Council through their ordinances… through tax measures. And talagang nag-boost ‘yung aming tax collection,” ayon kay Villanueva.
“At ito naman, e, siguro bilang pagtanaw sa magandang naging performance ng city council. Hindi lang naman ako ang binigyang ng award. Binigyan City Treasurer office as an institution ng award also… Because, ako, hindi ko rin naman magagawa mag-isa yun. Siyempre kasama ko rito ang buong puwersa, buong City Treasurer office employee na makamit itong award na ito,” dagdag pa niya
More Stories
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!
5 ‘Chinese spy’ arestado ng NBI