
MAGHAHAIN ng petisyon sa International Criminal Court (ICC) sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at dating senador Gringo Honasan para payagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na makauwi sa Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Honasan na ang petisyon ay isasama sa “people’s initiative signature campaign.”
Sinabi niyang mangangalap siya ng mga pirma at iimbitahan ang iba pang mga organisasyon na makisama sa kanilang mga hakbangin upang ibalik ang nasabing dating presidente. Naniniwala si Honasan na sampal sa mukha ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa ibang bansa at doon litisin at isang pagtataksil sa hukuman at batas sa ating bansa.
Si Honasan ay nagsilbi bilang dating DICT Secretary noong panahon ng Duterte administration.
Malaki ang naging utang na loob ni Honasan sa pamilya Duterte, na sumuporta sa kanyang pagtakbo bilang senador.
Si Mayor Duterte ay kapwa miyembro ng Guardians Brotherhood, at higit pa sa politika, napanatili nila ang matibay na pagkakaibigan sa loob ng maraming taon.
More Stories
HOUSE PROSECUTORS HINILING SA SENADO NA MAGLABAS NG WRIT OF SUMMONS VS SARA DUTERTE
REGISTERED OWNER AT DRIVER NG DUMP TRUCK NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA EDSA BUS CAROUSEL SA QC IPINATATAWAG NG LTO
NAVOTAS, PINASINAYAAN ANG CONVENTION CENTER