
UMATRAS si incumbent Mayor Andrea Andeng Ynares sa dapat ay laban nito sa mayorality race sa lungsod ng Antipolo.
Sa halip, ayon sa FB post ni Andeng, ay pumayag ang kanyang asawang si Dr. Jun Ynares na pumalit sa kanya na anya’y ‘best birthday gift’.
Ibinunyag din ni Mayor Andeng na inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging Presidente at CEO ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) ang kaniyang mister.
Gayunman tinanggihan niya ito at mas pinili na makapaglingkod ulit sa lungsod ng Antipolo.
Sinabi ni Mayor Andeng na bagaman nais niya pang maglingkod ay mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.
Nagpasalamat naman si Mayor Andeng sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng mga mamamayan ng Antipolo.
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!