BINAHA ng mga negatibong komento matapos ipost ng Taytay Secret Files Facebook page ang video ng paglalamyerda ni Mayor Allan De Leon sa Amerika.
Imbes anila na solusyunan ang mga problema sa naturang bayan ay naglamyerda pa ito para magpasarap-buhay.
Narito ang kabuang post ng Taytay Secret Files:
MAYOR ALLAN DE LEON SARAP-BUHAY SA AMERIKA, TIKTOK AT PASYAL-PASYAL LANG SA STATES HABANG TAYTAYEÑOS DUSA AT HIRAP SA MGA PROBLEMA NG BAYAN NG TAYTAY!
Mapapa-SANA ALL ka na lang talaga! Mayor Allan hanggang kailan ba ang “ALL OUT EXPENSE PAID TRIP VACATION mo sa Amerika? Kailan ba uwe mo? Huwag mo kalimutan pasalubong namin ha?!
Dami-dami problema ng Bayan natin pero naiinggit kami kasi pasarap buhay ka lang dyan sa States!
utang na P2,000 sa mga senior na hindi nakatanggap ng P4k;
house to house na social pension ng mga senior;
mga pinapasok na illegal vendors sa Taytay Tiangge sa loob ng Club Manila East;
mga nalugeng lehitimong negosyanteng magti-tiangge;
hanggang langit na presyo ng Business Permit;
bentahan ng illegal na lupa sa Purok 7, Lupang Arenda ng Taytay UPAO;
kaliwa’t – kanan na peryahan at illegal gambling sa Taytay;
bentahan ng gasolina ng mga Driver sa Munisipyo;
sobrang mahal na pasahe sa tricycle sa Taytay;
Pitong milyong utang na krudo at gasolina sa mga gas station service provider ng Munisipyo;
mga red plate government vehicles na nakikita sa mga summer outing at unofficial operations;
hindi masolusyunang traffic sa Taytay;
mga kurap at buwayang smile taytay traffic enforcer:
mga biktima ng malalaking sunog sa Taytay;
delayed na sahod ng mga JO ng Munisipyo;
mga alipores ni Mayor Allan na wala pang isang taon sa pwesto na biglang-angat sa buhay (bagong sasakyan, bagong motor?)
at daan-daang pang mga problema sa Bayan ng Taytay na hindi maaksyunan at masolusyunan ng Smile Taytay administration.
Ayon sa legit source sa Sangguniang Bayan ng Taytay, 5th Floor, nasa itinerary pa ng tour nyo ang side trip sa Las Vegas Hotel and Casino sa inyong bakasyon-grande. Maiba Naman Talaga!
Patuloy pa rin po ang pagdurusa ng ating mga kababayang Taytayeño sa halip “pasarap kita”, “monthly travel abroad” at “abusadong mga empleyado ng Munisipyo” ang aming nakikita sa inyong liderato.
IBANG-IBA NA NGA ANG TAYTAY!
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD