INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bunsod ng pagkakasangkot sa illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa kanyang bayan.
Batay sa 25-pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, napatunayang guilty si Guo sa grave misconduct.
Bukod dito, tinanggal na rin ang retirement benefits ni Guo at disqualified na rin ito para makaupo pa sa alinmang pwesto sa gobyerno.
Una nang inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Guo.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, gumawa sila ng isang task force upang imbestigahan ang umano’y koneksyon ni Guo sa mga iligal na gawain ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.
Maging ang Comelec at National Bureau of Investigation (NBI) ay gumawa rin ng hiwalay na pagsisiyasat ukol naman sa kanyang identity.
More Stories
Bolts tinambakan ang NorthPort
DMW NAG-SORRY SA PAGPAPADALA NG MALING BANGKAY SA PAMILYA NG YUMAONG OFW
SPEED LIMIT SA NAIAX, BAHAGI NG SKYWAY STAGE 3, ITATAAS SA 80KPH