MAS makabubuting tanggalin na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa di umano’y koneksyon nito sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“Ako, personally, from what I’m seeing and this is my personal take, na ma-expel sya sa NPC because connected siya sa POGO,” wika ni Gatchalian, bahagi ng advisory council ng NPC.
“And yung kanyang birth certificate is irregular and also invalid because of the source of information,” dagdag pa niya.
Si Guo ay tumakbong independent candidate noong 2022 election at sumanib sa NPC matapos manalo sa mayoralty race sa Bamban, Tarlac.
“It is important for NPC members to have a high standard of integrity, good moral conduct, and more importantly, hindi nasasangkot sa ganitong kriminalidad,” saad ni Gatchalian.
“As a member of the NPC advisory council, it is important that NPC members maintain integrity, or this will set a bad precedent,” sambit pa niya.
Samantala, nagbabala ang isang dating kongresista na si Egay Erice na posibleng bumaha ang aberya sa 2025 elections dahil sa ilegal na automated counting machine na gagamitin sa nasabing halalan.
“Ang ipinaglalaban ko dito, ilegal yung makina ninyo. Baguhin nyo yung makina ninyo walang problema. Illegal iyan naka-katakot iyan. Baguhin ninyo ang makina nyo walang problema as long as makakasunod sa automation law, walang problema sa akin,” wika ni Erice.
“Highly dangerous. Magkakagulo po ang 2025 elections natin kung gagamitin natin itong makina na ito na hindi pa nagamit sa anumang eleksiyon. Hindi lang yung makina, pati yung sistema hindi nagamit sa anumang eleksiyon sa Pilipinas o sa buong mundo,” babala pa niya.
Nasungkit ng Miru Systems Co. ang P17.9 billion kontrata para sa automation ng eleksyon sa susunod na taon. Kasama sa joint venture ng Miru ang Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation at Centerpoint Solutions Technologies, Inc.
Naghain ng petisyon sa Supreme Court si Erice para hilingin ang paglalabas ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction laban sa kontrata ng Miru sa Comelec.
Inakusahan naman ni Erice ang Comelec na “bulag, pipi at bingi” sa mga binunyag niyang red flag.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA