December 25, 2024

Maynilad sa customers: Mag-imbak ng tubig ngayong tag-ulan

PINAYUHAN ng Maynilad Water Services, Inc. ang mga kostumer nito na mag-imbak ng tubig ngayong tag-ulan.

Ayon sa Maynilad, posibleng magkaroon ng mga water interruption bunsod ng malakas na pag-uulan dahil sa Habagat.

“Strong rains usually cause increased turbidity in the raw water coming from Angat and Ipo Dams, which might constrain us to reduce water production in our treatment plants to ensure the quality of water that you will get,” ayon sa Facebook post ng Maynila.

Ang turbidity ay ang pagdami ng sediment concentrations sa tubig.

Bago ito, inanunsyo ng Pagasa na uulanin ang bansa dahil sa isang low pressure area at sa Habagat.