January 23, 2025

Maynila nagsagawa ng libreng bakuna, deworming para sa mga alagang hayop


Pinangunahan ng kawani ng mga Manila Veterinary Inspection Board ang pagbakuna sa mga alagang aso at pusa sa Barangay 181 sa Tondo Maynila bilang bahagi na pagdiriwang ng World Rabies Day. Ito’y pang maiwasan ang pagkalat ng nakakatakot na sakit dulot ng kagat ng aso at pusa na may rabies. (Kuha ni JHUNE MABANAG)

BILANG pakiisa sa World Rabies Day, nagbigay ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng libreng vaccination at deworming para sa mga alagang hayop ng mga residente ng naturang siyudad ngayong araw.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na ang naturang pagbabakuna at deworming ay isinagawa sa Rotonda sa kahabaan ng Del Fierro St., sa Tondo at sa tabi ng Librada Avelino Elementary School sa Barangay 182, Zone 16 District 2 sa Tondo, Manila.

Sa mga nais makatanggap ng libreng vaccination at deworming services ang mga pet owner ng valid ID na may address sa mga miyembro ng Manila Veterinary Inspection Board.

Pinaalalahanan din ni Domagoso ang mga residente na sundin ang health and safety protocols – pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.