December 24, 2024

Maynila nagpalabas ng working arrangement sa panahon ng MECQ

NAGSAGAWA ng ocular inspection sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa ika-13 na quarantine facility sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo, Manila na bubuksan sa susunod na linggo. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

INILATAG na ni Manila Mayor Isko Moreno ang alternatibong work arrangement na susundin sa loob ng 15-araw na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine o MECQ ang Metro Manila.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 34, nakasaad ang  skeletal workforce alternative work arrangement na paiiralin sa mga sumusunod na tanggapan sa panahon ng MECQ:

1. Office of the Mayor                                           
2. Office of the Secretary to the Mayor           
3. Manila Public Information Office               
4. Office of the City Administrator                 
5. City Personnel Office                                                             
6. Manila Barangay Bureau                                               
7. City General Services Office        
8. City Budget Office
9. Office of the City Accountant
10. City Treasurer’s Office    
11. Department of Public Services, Op. Div. & Dist. Offs.                        
12. Dept. of Engineering & Public Works Operations
13. Department of Assessment
14. Bureau of Permits
15. Manila Hawkers Office
16. Public Recreations Bureau, Operations
17. Parks Development Office, Operations;

Ipinag-utos naman ng aljalde na full operation ang mga sumusunod na tanggapan:

1. Manila Health Department , including North and South Cemeteries
2. All City Hospitals except Ospital ng Maynila
3. Manila Disaster Risk Reduction Management Office
4. Manila Department of Social Welfare
5. Manila Traffic and Parking Bureau
6. Veterinary Inspection Board
7. Market Administration Office

Habang ang kawani sa mga tanggapan na hindi kabilang sa mga nabanggit ay sasailalim sa  work from home alternative work arrangement kasama na rito ang mga  nakatatanda, PWDs, mga buntis at mga nagkakaedad na  21-anyos pababa na opisyal at kawani ng lungsod.

Pinaalalahan din ang  Head of Office na tiyaking naihahanda at mapalalabas ang suweldo ng mga opisyal at mga kawani sa tamang oras.

Bukas, Agosto 4 ay ipatutupad na ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ na tatagal hanggang Agosto 18  sa National Capital Region at ilang malapit na  lalawigan sa Metro Manila.