NAGDEKLARA si Manila Mayor Isko Moreno ng “health break” sa siyudad sa loob ng isang linggo upang mabigyan ng sapat na oras na makapagpahinga ang mga estudyante at mga guro lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Moreno na walang pasok sa lahat ng antas ng eskwelahan para mabawasan ang alalahanin ng mga guro, mag-aaral at mga magulang bunga ng tumataas ng kaso ng COVID-19.
“The city of Manila declares a health break starting tomorrow January 14 to 21, wala pong pasok, whether online or physical classes, all levels para magka-health break naman ang lahat,” anang alkalde.
“Mabawasan ang anxiety level ng teacher at makapagpahinga ang mga teacher. I know most of them doing online despite infection, makapagpahinga ang mga guro at yung mga magulang mabawasan yung anxiety level nila na umaabsent yung kanilang anak sa online class kasi infected ang kanilang anak sa COVID-19,”patuloy niya.
Umaasa si Moreno na makatutulong ang isang linggong health break upang makabawi ang mga guro, mag-aaral, at mga magulang na nakaranas ng sakit.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA