December 24, 2024

Maynila matatag at ligtas sa hinaharap – Isko Moreno

Nagsalita si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang 2nd State of the City Address sa loob ng Manila City Hall Session Hall kahapon Huwebes Hulyo 02,2020. (kuha ni NORMAN ARAGA)

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente nito na matatag at ligtas sa hinaharap ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pakikipagbuno sa coronavirus disease pandemic.

“Despite COVID-19, the state of the city is strong and its future is secure,” saad ni Moreno sa kanyang ikalawang state of the city address sa Manila City Hall.

“Every generation is faced with a crisis that tests their mettle and proves the strength of their character. The COVID-19 pandemic is not only the Battle of Manila but also the battle of our generation,”  dagdag pa niya.

Nabanggit din ng alkalde na tumaas ang kita ng Maynila, at patuloy na cleaning operation gayundin ang mga programa sa social welfare sa kanyang unang taon bilang mayor ng lungsod.

Sa datos ng City Treasurer’s Office, umaabot sa P12.441 bilyon ang nakolekta ng pamumuno ni Domagoso, sa kabila nang pagpapatupad ng tax amnesty at economic impact ng COVID-19.

Marami rin aniyang nagbukas na negosyo sa lungsod sa unang taon ng liderato ni Domagoso na rito ay 8,665 ang naitang bagong rehistradong businesses at 51,022 ang renewed businesses.

Sa ilalim din ng pamumuno ni Moreno, nakahakot ang Manila Department of Public Services (DPS) ng 566,904 tonelada ng basura na higit sa 112,981 garbage trucks.

Napakapaglaan din ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ng trabaho para sa 5,000 residente nito mula Hulyo 2019 hanggang 2020.

Sa kabuuang bilang ng natanggap sa trabaho, 555 dito ay senior citizen at 96 ang may kapansanan.