MAYROON ng apat na libong vials ng gamot laban sa coronavirus diseases 2019 o COVID-19 ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito’y matapos muling bumili ng karagdagang dalawang libong vials ng Remidisivir [o Remdisivia] ang lungsod upang palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19.
Nalaman kay Manila Mayor Isko Moreno na natanggap na ng pamahalaang lungsod ang 1000 vials at hinihintay na lamang na mai-deliver ng iba pa.
Ang pagbili ng karagdagang Remidivir ay ayon na rin sa impormasyon na ipinarating sa alkalde ng mga director at city health officials na mabisa ang naturang gamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Moreno kung nalulunasan aniya ng Remdisivir ang COVID-19 ay nasa tamang direksiyon aniya ang health sytem ng Maynila upang matulungan ang nakararami na gumaling o maka-survive sa nasabing karamdaman.
Umapela rin si Moreno sa mga hospital director na palawigin ang pagtulong sa iba pang ospital lalo na sa mga pribadong pagamutan at national government hospital kung kailangan nila ng Remdisivir vials.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?