November 19, 2024

MAY SELEBRASYON KAYA ANG GINEBRA NATION?

ISANG panalo na lang , GINEBRA  na!

Iyan ay kung papayag ang Tropang GIGA.

Kamakalawa ay naglaro ang Barangay Ginebra San Miguel na mistulang wala nang bukas  matapos nilang gapiin ang mapanganib na TNT upang saklitin ang 3-1 kartada  at makaiwas sa tangkang panabla sana nito, 2-2  sa game4 ng PBA Philippine Cup best of 7 finals sa AUF Sports Center sa Angeles City, Pampanga.

Pilay ang Tropang Giga matapos malagasan ng dalawang. frontliners na sina Bobby Ray Parks dahil calf injuryj noong game 1. habang bumigay naman ang tuhod ni Jayson Castro sa simula ng 3rd quarter sa game4 upang mapataw ang bigat ng responsibilidad kina TNT starters Roger Pogoy,JP Erram at  Troy Rosario..

Bagama’t undermanned ay nagpasikab pa rin si Pogoy sa kanyang outside sniping at inside operation nina Rosario at Erram upan dumikit sa last two minutes pero hanggang doon na lang sila matapos ang pasabog ni LA Tenorio sa kanyang teritoryo sa tres at ang insurance basket  ni Scottie Thompson tampok din ang ‘in  your face ns dakdak ng toreng si Japeth Aguilar upang itakas ang panalo ng brigada ni coach Tim Cone habang kinapos ng explosives ang TNT sa naturang laro upang mabaon sa 1-3 baraha sa seryeng All -Filipino.

Klasiko ang kanilang bakbakan kaya mismong ang tenyente de Barangay Ginebra na si Tenorio ay kumbinsidong kailangan na nilang  tapusin ang  serya , hablutin na ang kampeonato sa game 5 bukas kundi ay  malilipst ang momentum sa TNT at lubhang delikado ang kartadang 2-3.

Kung magwawagi ang Ginebra  ay muli silang magkakampeon sa All Filipino matapos ang mahabang tagtuyot 13 na ang nakaraan at iika-23 naman kay coach Tim Cone  bilang  team head mentor sa naturang liga ng PBA.

Ano kayang estratehiya ang ikakasa ng Tropang Giga upang buhay nito ay madugtungan

Celebration na ba ang Ginebra nation o hihirit pa ng hininga ang Tropang Giga?.. ABANGAN!!