June 23, 2025

“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN

Hindi na nakapagtimpi si Dennis Trillo matapos makatanggap ng bastos at mapanghusgang komento ang anak ni Jennylyn Mercado na si Jazz, sa isang simple at masayang video ng kanilang pamilya sa mall.

Sa naturang post, isang netizen ang walang pasintabing nag-comment ng:
“Parang may autism anak ni Jen.”
Agad bumuwelta si Dennis:
“May problema po ba kayo sa may autism?”

Isa pa, hindi pa nakuntento at sinundan pa ng isa pang netizen ng comment na:
“Parang malamya.”
Hindi pinalampas ni Dennis at sumagot ng diretsahan:
“Wow. Hiyang hiya naman ako sa pagmumukha mo.”

Walang takot na pinanindigan ni Dennis ang kanyang depensa sa anak-anakan, kahit pa mabura na ang thread ng komento. Ang mga fans? Todo suporta. Ang bashers? Tahimik bigla!

Si Jazz ay anak ni Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia, at noong 2022 ay isiniwalat ng aktres na si Jazz ay may autism spectrum disorder — isang kondisyong hindi dapat ginagawang biro o pambash.

Hindi ito ang unang beses na nagpakita ng pagiging protective at palaban si Dennis para sa kanyang pamilya. Sa dami ng magagandang projects niya sa showbiz, tila mas importante sa aktor ang respetuhin at protektahan ang mga mahal niya sa buhay — lalo na ang mga batang may espesyal na pangangailangan.