January 24, 2025

MAY NPA NA NAMANG NALAGAS

TAGUMPAY na naman ang tropa ng  2nd Infantry Division ng Philippine Army matapos nitong makaengkwentro ang mahigit kumulang sa 20 teroristang NPA sa Rizal Occidental, Mindoro ngayong Lunes, Disyembre 14.

Naganap ang bakbakan sa Sitio Surong, Brgy Aguas, Rizal na tumagal ng 30 minuto na ikinasawi ng apat na NPA at narekober pa ang matataas na armas at iba pang mga dokumento ng kalaban.

Nangyari ang engkwentro matapos inguso ng mga concerned citizen sa ating kasundaluhan ang presensiya ng NPA sa lugar.

Ayon  sa report  ni Col. Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Brigade, walang nasawi sa panig ng pamahalaan.

Sinabi ni Villareal sa isinagawang kamakailan lang na pagdinig ng Senado na nabulgar na ang tunay na likas na katangian ng NPA at paghahasik ng takot sa ating mga kababayan.

Dahil diyan lalo pang pinaigting ng ating mga kasundaluhan ang kanilang kampanya upang pabagsakin itong mga NPA.

Pinuri naman ni MGen. Greg T. Almerol, Commander ng 2ID ang katapangan at pakikipag-ugnayan ng mga residente sa giyera laban sa insurgency.

“Your bravery fuels your soldiers’ commitment to finally end terrorism in our country. Together, we will surely bring down this barrier that prevents our nation from achieving peace and progress.”

Nagpaabot din ng pakikiramay si Almerol sa mga naiwang pamilya ng mga namatay sa naganap na engkwentro. “No family should have to suffer like this, to those who are still bearing arms, please abandon this senseless armed struggle and make use of the government’s E-CLIP program to help you rebuild your new life with your families,” dagdag ni Almerol.

Magmula 2019, patuloy ang 2ID sa mga pangako nito na poprotektahan ang Southern Tagalog. Umabot na rin sa 202 armas ang kanilang narekober at pinabagsak ang 568 na NPA sa kanilang area of responsibility.

Kaya naman saludo tayo sa 2ID, mabuhay ang ating kasundaluhan!