Mga Ka-Sampaguita, dapat bang may taong makulong dahil lamang sa pamimitas ng bungang-kahoy o mangga? Na in -good faith siya dahil sa pagkakaalam na siya ang nagtanim nun? Tapos inari ng iba ang puno at inakusahan ang isa na magnanakaw?
Para maging patas, kung namitas nga ang matanda sa Pangasinan ng mangga, dapat pa bang ipakulong siya? Pag-aaksayahan pa ba ng panahon iyon? O bigyan na lang ng konsiderasyon?
Nakasaad sa batas ng tao at ng Diyos na ‘bawal ang magnakaw’! Pero, pagnanakaw bang halimbawang ituring kung alam niyang siya ang nagtanim?
Nakasaad sa Levitico 19:13 na huwag pagnanakawan at dadayain ang kapwa. Sa kaso ni lolo Narding, nadaya ba siya o hindi?
Tungkol sa kanyang ginawa, dapat pa ba itong ipakulong. Kung halimbawang hindi talaga siya ang may-ari ng manggang kanyang pinitas?
O pagbibigyan na lang at uunawain dahil sa hinihingi ng pagkakataon? Nakasaad sa Levitico 19:9-10 (BMBBB) ang ganito:
“Kung mag-aani kayo sa inyong bukirin, itira ninyo ang nasa gilid, at huwag na ninyong balikan ang inyong naanihan. Huwag ninyong pipitasing lahat ang bunga ng ubasan ni pupulutin man ang mga nalaglag. Bayaan na ninyo iyon para sa mahihirap at sa mga dayuhan. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.”
Sa kaso ni ng matanda ay di ito binigyan ng konsiderasyon. Na talagang kailangan niya ang bunga. Pero, sa halip na pagbigyan at makipag-ayos, ipinakulong pa. Anong puso mayroon ang gumawa nito?
Nakasaad din sa talatang 17-18 na huwag magtatanim ng galit sa kapwa. Gayundin ang makipagkasundo lalo na’t maliit na bagay lang naman ang nangyari. Huwag ding maghihiganti sa kababayan. Pero, ipinakulong.
Nakasaad naman sa talatang 19:17 ang ganito:
“Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.”
Ito ang hindi isinapuso ng nagpakulong sa matanda. Na ang bagay na dapat sana’y maliit lang at pinalaki. Hinamak at ipinahiya pa ang tao sa madla. Ngayon, sino ang tama at sino ang mali? Sino ang kinaawaan at kinampihan ng mga tao? Dili-dilihin ninyo ang mga talatang nakasulat at malalaman ang sagot.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!