January 23, 2025

May lockdown kaya kapag dumami ang kaso ng variant ng COVID-19? Take 2 ba yan?

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Habang tinitipa ko ang suplemento sa pitak na ito, pumasok na sa ating bansa ang sinasabing Variant ng COVID-19.

Ayon sa ulat, isanglalaking taga-Quezon City ang tinamaan na galing sa Dubai. As usual, again, history repeat itself. Noong Enero noong nakaraang taon ( 2020), naitala rin ang unang kaso ng COVID-19.

Parang ganito ang senaryo ngayon. Tapos, ano? Babalik uli tayo sa lockdown? Papaano ang buhay ni Juan de la Cruz?

Ano kaya ang gagawin ng LGU’s at ng ating pamahalaan kapag ganito uli ang nangyari? Aba’y sobra na ‘yan!

Masyadong sensationalised ng media ang pagbabalita. Na tila bagang kapapusan na ng sangkatauhan kung mnagbalita. Kung tutuusin, marami ang nakare-recover sa sakit.

Pinagsasama-sama kasi nila ang total cases. Sa halip na idiin ang pagbabalita sa active cases.

Na kung tutuusin ay bumaba at wala pa sa 30,000. ‘O ito yung pinapagaling o nasa quarantine.

Wala pa sa 10,000 ang pumanaw (RIP) po. Dapat, ganito magbalita ang mainstream media tungkol sa COVID-19 cases: “Umabot na po sa halos 500,000 ang total kaso ng kaso ng COVID-19. Gayunman, mababa ang active cases na wala pa sa 30,000.”

“Magandang balita po ito. Gayunman, huwag magpakampante at ibayong pag-iingat pa rin po ang ating gawin. Sundin ang helath protocols para iwas hawa at makahawa.”

Huwag ding pong isipin agad na COVID-19 na ang kaso porke may ubo, sipon at lagnat. Natural lang po yan dahil sa panahon. Lalo na’t malamig dahil sa hanging amihan na sunasapit tuwing unang peryodo ng taon.”

Yan ang dapat iulat ng media. Tapos masipag sa pagbabalita ng patayan. Kaya ang reverse nun, papatay din ang kapwa para ma-break ang record na ginawang pagpatay ng kanyang kapwa kriminal.

Anak ng kuwago naman! Pagdating sa vaccine, gusto kanya-kanyang rekta ng gamot. Ang lakas manira, pero ano yung Dengvaxia? P

ag nagkandaloko-loko, sisihin ang gobyerno! Di ba, ang lakas mang-asar.

Kaya sinabi ng Pangulo na wala na siyang pakialam dyan. ‘E bahala sila sa buhay nila!

Natural ang gamot, may kompetisyon yan. Sasabihin nila ganito… ganire… ang epekto ng bakuna. Di ba!

Kung timawa pa rin ang iba hanggang sa panahong ito, sila ang maloloko nyo.Pero ang bukas ang isip, hindi.

Ayos ba ang pang-aasar ko? Viva La Raza.