Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. May ilang senador na tutol sa substitition ng mga kandidato. Ito’y kaugnay sa pagpapalit ng pato sa susunod na buwan.
Ako’y nagtataka dahil bakit ngayon lang sila pumalag sa kanyang taktika. ‘E nasa constitution naman ‘yan. Bakit, may kinatatakutan ba sila? Takot ba sila sa bangungot na pwede nilang maranasan? Bakit ngayon lang sila nagtatatalak?
Matagal nang nakalatag ang ganyang anggulo sa pagfile ng COC. Kung saan, pwedeng palitan ang kandidato sa deadline ng subtitution. ‘Yan ay kung magbago ang isip ng bawat isa. Basta, kapareho lang nila ng partido ang papalit. Kagaya ng nangyari noong 2016 COC.
Kung saan, pinalitan ni Pangulong Duterte si Martin Dinio bilang pambato ng PDP-Laban sa pagka-Pangulo. Ang siste ngayon, baka palitan ni Inday Sarah si VP aspirant Bong Go na pambato ng PDP-Laban Cusi faction.
Pehadong kakabog-kabog ang dibdib ngayon ng iba dahil sa sitsit ng tambalang BBM-Duterte (Sarah). Kapag nagkataon, aba’y knockout ang kalaban. Kaya siguro takot ang iba dahil tiyak na sa inidoro sila pupulutin. Di po ba?
Alam naman ng madla at ng karamihan kung sino ang talagang malakas. Kailangan pa bang i-memorized ‘yan?
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino