November 2, 2024

MAY KAUNTING TAMPO BA ANG PNVF SA MGA STAR AT VETERAN PLAYERS NA DI PUMUNTA SA TRYOUT?

May tila tampo ang pamunuan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa ilang volleyball players. Sa kabila kasi na inimbitahan nila ang mga ito na magtryout, dinedma sila.

Kung sino pa raw ang inaasahan, yun pa ang wala. Na karamihan ay mga star at veterans players. Na may kasanayan na at may experience sa international games.

Nasaan sina Alyssa Valdez at iba pa? Buti pa si Jaja Santiago na kahit mabenta ngayon ay nananatiling humble.

Patunay ito na gusto talaga ni Jaja na iprisenta ang bansa sa ilang torneo. Lalo na sa pinaghahandaan nilang SEA Games sa Vietnam.

Gayun din sina Eya Laure at Aby Marano. May ilan naman sa hindi nakapunta sa tryout ang nagpaliwanag.
Kagaya ni Jia Morado na kalusugan ang priority.

Isa pa, mahigpit ang regulasyon ngayon dahil nasa ilalim ng ECQ at MECQ ang NCR. Gayundin ang kanugnog lalawigan nito.

Naiintindihan natin ang PNVF. Naiintindihan din natin ang mga volleyball players. Sa ganang atin, dapat pinili na lang ang isasali sa pool. Tapos magtry-out sa ilang idadagdag.

Tapos, saka sila magpractice ng magpractice. Di ba. Tampong itik lang naman ang PNVF at alam nating maaayos ito. It’s not a big deal.

Kailangan ngayon ang mag-unawaan at magkaisa. Para sa bayan at para sa ating mga kababayan.