IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo ang Mayo 9, 2022 bilang special non-working holiday upang bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na bumuto sa idaraos na halalan sa kondisyon na susundin ang public health measures ng national government.
Ito ang ianunsyo ni Malacañang, Huwebes, sa pamamagitan ng Proclamation 1357.
Dahil special non-working holiday sa Lunes, “no work, no pay” ang kaayusang mangyayari. Gayunpaman, bibigyan ng dagdag 30% ng kanilang daily rate ang mga taong pipiliing magtrabaho sa araw na ‘yon sa unang walong oras.
Kung rest day ng empleyado sa araw ng special non-working holiday ngunit nagtrabaho pa rin siya, kailangan niyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanilang daily rate sa unang walong oras. Aabot sa 45.48 milyon ang employed individuals nitong Pebrero, na siyang mayorya na ng 65.7 milyong registered voters sa loob ng Pilipinas, kung datos nitong Disyembre 2021 ang titignan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA