November 24, 2024

MAY 3 IDINEKLARANG REGULAR HOLIDAY PARA SA EID’L FITR

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 3 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’tl Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Nilagdaan ni Duterte ang Proclamation 1356 noong Mayo 1 na nagdedeklara sa nasabing holiday.

“The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in observance and celebration of Eid’l Fitr, subject to the public health measures of the national government,” saad ng proklamasyon.

Una rito, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklarang holiday ang Mayo 3. Gayunman, nagsimula ang selebrasyon ng mga Muslim sa araw ng Lunes matapos ianunsyo ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul-Ifta na namataan na ang buwan.