
NASA sampung koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na pagbubukas ng unang season ng Philippine Schools Athletics Association (PSAA) basketball tournament sa Mayo 10 sa Jesus is Lord College Foundation gymnasium sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay PSAA founder and organizer coach Fernando Arimado kumpirmadong sasabak bilang mga founding member ng liga ang PCU-Manila na siyang itinanghal na kampeon sa pre-season ng liga nitong Nobyembre.
Kasama rin ang JIL, Philippine international College, U-Bix Colleges, Inc., Philippine Maritime Institute, St. Bernadeth, Bulacan State University, St. Joseph of Olongapo, Asia Pacific College at Manuel Enverga College.
“All system go. Nagpapasalamat ako sa tiwala ng ating mga miyembrong ekwelahan at sa mga sponsors na siyang backbone para mapagtagumpayan natin itong liga at maipagpatuloy natin ang ating misyon na tulungan ang sports development sa basketball,” pahayag ni Arimado, founder din ng National Youth Basketball League (NYBL), sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum.
Itinalagang League Commissioner ang dating commercial player na si Robert Dela Rosa kasama ang assistant na si coach Danny Caballero.
“Ang tagumoay ng liga ay nakasalalay sa officiating. Walang magiging problema basta ang mga official natin ay reliable, consistent at patas, kaya kinuha nating mga referees yung grupo na responsible din sa NCAA at UAAP,” sambit ni Dela Rosa sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Kumpiyansa ang ilang kinatawan ng mga eskwelahan sa kanilang magiging kampanya, ngunit kumbinsido silang nakalalamang ang PCU-Manila dahil sa malawak nitong karanasan sa iba’t ibang collegiate leagues.
“Team to beat ang PCU sila ang kampeon sa pre-season. But hopefully, yun mahaba-habang preparasyon naming ay maging sandata naming para makabawi sa kanila ang tanghaling inaugural PSAA champion,” pahayag ni PIC coach Ericson Relox.
Bukod sa core ng koponan na naging kampeon sa pre-season at sa International Invitational sa Perth, Australia, sasabak ang PCU kasama ang bagong recruit na Fil-American player.
“Still, we did not consider our team as favorite. Bawat team na kalaban naming ay itinuturin naming top competitors kaya ang mind-set ng mga players hindu puwedeng mag-relax. Importante sa bawat laro mayroon kaming matutunan sa kanila at may matutunan sila sa amin,’ pahayag ni PCU coach Gualberto Garcia. Dumalo rin sa programa sina U-Bic Colleges coach Hector Angelo Moquera, . John Gabrial Denz, PMI coach Aljero Alemania, at Philippine Karate League (PKL) head Restituto Fillarca, Jr. Kabilang ang karate at volleyball sa event na isasagawa ng PSAA sa ikalawang quarters ng taon.
More Stories
Makati Subway, Goodbye na (Matapos ang SC ruling)
Rep. Pulong Duterte, Inireklamo sa DOJ Dahil sa Umano’y Pananaksak at Pagbugbog sa Negosyante sa Davao Bar
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63