December 25, 2024

MAVY LEGASPI, MAS PINAGTUUNAN ANG CAREER KAYSA LOVELIFE

AYAW magsalita ni Mavy Legaspi sa totoong isyu sa hiwalayan nilang dalawa ni Kyline Alcantara, iwas pusoy ang dalawa at nanatiling naka-siper ang kanilang mga bibig.

“Magpapakatotoo na raw si Mavy Legaspi, iwas muna raw siya sa pressure at mga expectations ng mga taong nakapaligid sa kanya. More love daw muna ang kanyang paiiralin.

“Mukhang mabigat ang pinagdaanan niya last year, hanggang pumutok na nga ang isyung hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Kyline Alcantara. Pero walang umaamin sa kanilang dalawa, at tahimik ang kampo ng bawat isa.

“Kaya ang mga fans nila ay tengga at hinihintay talaga nila na may umamin sa dalawa. Sa ngayon pokus muna si Mavy sa kanyang showbiz career, dahil marami rin naman siyang gustong ma-achieve bilang isang artista,” ayon pa iyan sa aking source.