December 25, 2024

Matira na ang matibay! PANDEMIC SA PILIPINAS, OUT OF CONTROL NA -WHO

Mga Ka-Agila, nakakagulat ang deklarasyon ng World Health Organization(WHO) na “out of control” na ang sitwasyon ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Ang ibig bang sabihin nito, matira na ang matibay! Kung sino ang walang bakuna, mamamatay na!

Sa data ng Octa Research team, humataw na sa 29.4 porsyento ang positivity rate ng Pilipinas na ang ibig sabihin isa sa bawat tatlong Pinoy na sumailalim sa testing ay positibo sa virus.

Ang positivity rate na ito ay lubhang mataas sa 5 porysentong rekumendado ng WHO, kaya wala na umano sa kontrol ang pagkalat ng virus sa bansa.

Noong Sabado, Sept. 11, lumobo na sa 26, 303 new COVID-19 cases ang naitala ng DOH kung saan umabot na sa kabuuang bilang na 2,206,021 ang mga kaso.

Sa pagtaas ng bilang ng COVID-19, napapansin lang ng ilang Senador ang sumasablay na pagtugon ng pamahalaang Duterte sa pandemya na kumitil na ng higit 30-libong Pinoy.

Pinuna ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tila walang direksyon ang paglaban ng administrasyong Duterte sa pandemya, lalo pa’t patuloy na tumataas ang bilang ng COVID cases at mga namamatay na pasyente.

Ikinalungkot ni Zubiri ang pagpanaw  dahil sa virus ng dalawang malapit na kaibigan niya na sina Rafa Dinglasan, isang commercial model at Miguel.

“I have a mouthful to say about the way this government is handling this pandemic and just to quote the WHO is that we are “out of control” due to the high positivity rate,” diin ni Zubiri.

Dagdag pa ni Zubiri, “Where are the vaccines and if you can’t give it? Then let the people buy it and make their choices! I can’t believe you can’t even use the privately purchased Moderna vaccines for your teenagers even if approved by the FDA??!!What stupidity is this?

**************

Hindi sumipot sa ika-limang public hearing ng Senado ang kaibigan ni Pang. Digong Duterte at dating Presidential adviser Michael Yang na “laway” lang daw ang puhunan sa pagkamal ng bilyun-bilyong pisong kontrata mula sa gobyerno.

Ang katwiran ng kanyang abugado de kampanilya na si Atty. Raymund Fortun, nahigh blood daw at kailangan ni Yang na magpahinga ng limang araw ayon sa kanyang doktor.

“You cannot hide forever, If he doesn’t show up next hearing then we can make decision. Kung talagang walang itinatago si Yang, dapat humarap sya sa hearing,” ayon kay Senador Dick Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee.

Ang pagkakasakit ng mga iniimbitahan sa hearing sa Senado ay hindi na bago sa paningin ng publiko dahil marami na ring resource persons na ganito ang “alibi” para makaiwas sa paggisa ng mga Senador. Ang tawag dito ay “Senatitis”, sakit-sakitan para di maipatawag sa imbestigasyon sa Senado

Nagdududa naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa “alibi” ng kampo ni Yang kaya  hiniling nito sa DOJ na isailalim sa wtchlist order si Yang para mamonitor ang kanyang kilos upang hindi basta makalabas ng bansa.

Sa tingin ni Sen. Kiko Pangilinan, hindi pwedeng makalabas ng bansa si Yang dahil may nakabinbing warrant of arrest laban sa negosyante matapos na i-contempt ng Senado sa pag-iwas nito sa mga tanong.

Abangan natin mga ka-Agila ang mga pasabog pa sa Senado sa  susunod na hearing sa Biyernes, Sept. 17 ganap na alas-10:30 ng umaga.