
MONTALBAN, RIZAL — Babangga ang bangis ng Rain or Shine sa walang mintis na Magnolia Hotshots sa inaabangang sagupaan ngayong Linggo, Mayo 18, sa Ynares Center Montalban!
Pagkatapos ng 10-araw na pahinga, balik-gera ang Elasto Painters (3-2) at buo ang kumpiyansa na kaya nilang sirain ang malinis na 6-0 kartada ng Hotshots sa PBA Philippine Cup. Alas-7:30 ng gabi ang simula ng matindihang banggaan.
Sa unang laro, San Miguel Beermen susubukang bumalik sa porma kontra sa lugmok na Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon.
Balik-kumpleto na ang tropa ni Coach Yeng Guiao, at paniguradong isusubo nito ang kanyang pamatay na run-and-gun offense sa pangunguna nina Adrian Nocum, Jhonard Clarito at Gian Mamuyac. Malaking ambag din ang inaasahan mula kina Andrei Caracut, beteranong Gabe Norwood, Beau Belga, at si Keith Datu, na galing sa career-best na laro.
Pero ‘di basta-basta matitinag ang Hotshots! Sa ilalim ng bagong sistema ni Coach Chito Victolero, balanseng opensa at matinding depensa ang baon ng Magnolia — na winasak ang Meralco Bolts, 117-92, sa huli nilang laban.
Paul Lee muling nagpakitang gilas mula sa four-point line, habang suportado siya nina Ian Sangalang, Mark Barroca, Rome Dela Rosa, James Laput, at ang mga batang tigre ng Magnolia na sina Zav Lucero at Jerom Lastimosa.
Makakasilat ba ang ROS? O mananatiling perpekto ang Hotshots? Abangan ang matinding bakbakan! (Ulat ni RON TOLENTINO)
More Stories
LALAKI NA MAY BARIL, NASAKOTE SA GITNA NG GULO SA CALOOCAN
SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT TRIAL: I WANT A BLOODBATH
COMELEC, PORMAL NANG IPINROKLAMA ANG 12 BAGONG SENADOR NG BANSA