RAMDAM nina Grandmaster Darwin Laylo at Grandmaster candidate Ronald Dableo ang matinding kumpetisyon sa pagtulak ng 2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge kung saan makakaharap nila ang matinding hanay ng mga katunggali sa Pebrero 2, 2025, Linggo sa ICI College, Sta. Maria, Bulacan.
“It will be a very tough match against the Bulacan players. Not to be outdone are players from the nearby provinces as well coming from Metro Manila,”sabi ni Laylo.
“We are expecting tough matches but we will try our best,” wika naman ni Dableo na kinakailangan ELO rating 2363 sa 2500 para maging pinaka bagong grandmaster ng bansa. Mayrun na siyang tatlong GM norms.
Sina Laylo at Dableo, parehong 1-2 punch ng San Sebastian College Recoletos Manila noong college days nila ay mga coach na ng University Athletic Association of the Philippines chess team champion University of Santo Tomas.
Ang iba pang woodpushers na kalahok sa kompetisyon ay sina NM Mar Aviel Carredo, Kyle Emmanuel Ochoa, Allan Gabriel at Gllasea Ann Hilario, Robi Ocampo, Faith Louise Dorupa, Ardy Kyron Jose, Mark Louell Renales at Enzio Pungutan.
Ayon kay tournament director Normel De Jesus, nahahati sa 2 divisions ang 1 day tournament.
Ang 2300 and below FIDE rating as of December 2024 (titled players may join) at ang 17 years old and under (regardless of rating and title).
Ang kaganapang ito ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng 2025 Sta. Maria Town Fiesta Committee na pinamumunuan ni Pangulong Engr. Annabel Mauricio-Roldan at katuwang ang University of Santo Tomas (UST) Chess Team, NORI Chess Club at Bulacan 6th District Congressman Salvador “Ador” A. Pleyto.
Ang magka kampeon dito sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 ay tatangap ng lion’s share na P10,000.
Ang second hanggang fifth placers ay tatanggap ng P5,000, P3,000, P2,000, at P1,500, ayon sa pagkakasunod.
Ang ikaanim hanggang walo ay tatanggap ng tig-P800 habang ang ika-9 hanggang ika-10 ay maghahabol ng tig-P500.
Ang Top Sta. Maria, Top Lady, Top College at Top 50 Above ay makakatanggap din ng cash prize.
Ang top four sa 17 years old and under ay kikita ng P4,000, P2,000, P1,500 at P1,000 , ang 5th hanggang 8th placers ay mag-uuwi ng P500 bawat isa habang ang 9th hanggang 10th placers ay makakatanggap ng tig-P300.
May nakalaan din sa Top Sta. Maria at Youngest Player na cash prizes.
Ang registration fee ay P400 para sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 habang P300 para sa 17 years old and under.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa messenger/fb Normel R. De Jesus, contact no. 09057918089. (DANNY SIMON)
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust
Binata na wanted sa rape sa Valenzuela, arestado