LEGAZPI CITY – Nasabat ng tropa ng gobyerno ang apat na mamataas na kalibre ng baril nitong Martes sa isang operasyon laban sa communist terrorist group (CTG) sa Bicol.
Ayon kay Capt. John Paul Belleza, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, nakatanggap ng sumbong ang 2nd Infantry Battallion (2IB) at pulisya mula sa mga residente ng Barangay Sta. Maria sa Mobo, Masbate kaugnay sa presensiyua ng mga miyembro ng CTG sa lugar, dahilan para magsagawa ng security operation ang mga tropa.
Dakong alas-6:00 ng umaga nang maksagupa ng mga sundalo ang 15 na miyembro ng New People’s Army (NPA).
“Gunfight lasted for 15 minutes before the enemies withdrew. Four M-16 rifles were captured from the encounter site,” sambit ni Balleza.
Pinasalamatan naman ni Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen, battalion commander ng 2IB, sa mga residente na nagsumbong kaugnay sa presensiya ng mga rebelde dahilan para maging matagumpay ang operasyon.
Sa isa pang operasyon ng militar kamakailan lang, nakatanggap din ng impormasyon ang mga element ng 22nd Infantry Battalion (22IB) kaugnay sa pinagkukutaan ng CTG sa Barangay Calpis a bayan ng Bulan.
Kaagad kinumpirma ng mga tropa ang impormasyon at nasabat ang M-16 rifle dalawang bandoliers at iba pang supply ng CTG sa loob ng isang kubo.
Ayon kay Belleza, inatasan ni Lt. Col. Nelson Mico, battalion commander ng 22IB, ang kanyang mga tropa na ipagpatuloy ang paglilibot sa lugar upang mapigilan ang masamang binabalak ng CTG.
Pinuri naman ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Gen. Henry Robinson Jr., ang tropa ng goyerno para sa walang tigil na malawak na operasyon sa Bicol na nagdulot ng malalaking kabiguan sa CTG.
“These scores speak about our ever-persistent fight against communist insurgency… If you will surrender a firearm, you will receive a firearm remuneration which you can use to start a new life. Aside from that, you will receive cash, livelihood, medical and educational assistance. However, the most important benefit of returning to the folds of the law is the attainment of our goal to make Bicol a more peaceful and progressive region,” saad ni Robinson.
Noong Pebrero 1, napatay ang apat na miyembro ng CTG, isa ang nahuli at 10 mataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa nangyaring engkwentro sa Garchitorena, Camarines Sur.
More Stories
PRESYO NG KAMATIS UMABOT NA SA P20 KADA PIRASO
House Bill 11252 inihain ni Salceda… PRANGKISA NG ABS-CBN BUBUHAYIN
ISLAY ERIKA AT RAN LONGSHU BAKBAKAN SA ONE CHAMPIONSHIP