Matapos ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagreretiro sa politika, kinumpirma ng Malacañang ngayong Biyernes, Nobyembre 5, na nagbabalak ang pangulo na tumakbo bilang senador sa 2022 elections.
“As far as I know wala pa pong pinal na desisyon. But as Sen. Go said, he is considering it,” sambit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nauna nang kinumpirma ni Energy Secretary Alfonso Cusi, lider ng Duterte-backed faction ng PDP-Laban, na hinihimok niya si Duterte na tumakbo sa Senado.
Matatandaang pinahayag Duterte na siya ay tatakbo bilang bise presidente. Ngunit kalaunan din ay sinabi niyang magretiro na siya sa pulitika.
Maaaring irehistro ng Pangulo ang kanyang kandidatura sa pagkasenador hanggang Nobyembre 15.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY