November 9, 2024

Matapos magkaroon ng aberya… PERA SA GCASH LIGTAS

ILANG Gcash users ang napaulat na nawalan ng pera bunga umano ng error sa isinasagawang “system reconciliation process”.

Agad namang tinugunan ng GCash ang isyu at tiniyak sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account.

Anila, natukoy na nila ang mga apektadong customer at sinimulan na ang pagsosoli sa mga nawala nilang pera sa account.

“A few GCash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident was isolated to a few users and we assure our customers that their accounts are safe,” ayon sa kompanya.

“We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing.”

Ayon sa isang lumabas na ulat, ang tinuturing na salarin ay ang “Send to Many” feature ng GCash kung saan hindi na kailangan dito ang OTP, MPIN at link sa iisang cellphone lamang. Naipapadala rito ang P2,000 sa dalawang recipient bawat transaksiyon. Nangyari umano ang pagkawala ng pera ng ilang customer mula Nobyembre 8 hanggang 9.