
Nalabas ng abiso ang GCash kaugnay sa nangyaring aberya sa kanilang serbisyomatapos ireklamo ng mga users ang kawalan ng access sa app.
Sa abiso nito dakong alas-2:57 ng hapon, inaayos ng e-wallet service ang naturang problema sa lalong madaling panahon at tiniyak sa mga users na ‘safe’ ang pera na nakalagay sa kanilang accounts.
Sa mga post sa social media, inireklamo ng mga user na hindi sila makapag-log in, habang sinasabi naman ng iba na nagkaroon ng errors sa tuwing gagamitin nila ang Express Sen at Bank Transfer features, na ginagamit para makapagpadala ng pera sa ibang GCash users o bank accounts.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO