
ISINILBI ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang search warrant laban sa vlogger na umano’y nagpakalat ng fake news patungkol kay CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III.
Ayon kay Torre sa isang Facebook post nitong Sabado, na lahat ng aksyon ay may kahihinatnan matapos ipagkalat ng vlogger na si Jun Abines ang larawan niya na nasa ospital.
“Nagdulot ito ng pag-alala at pagkabalisa sa pamilya at mga kaibigan ko. Ano ang naging aksyon ko? Sumandig ako sa batas, naniniwala ako na mali man ang ginawa mo ay may karapatan kang humarap sa korte at mabigyan ng due process,” saad ng CIDG chief.
“Nag-apply ako ng search warrant para makuha ang mga phone at computer na ginamit mo sa katarantaduhang ginawa mo sa akin. Ngayon iiyak-iyak ka sa social media? At yung pangtarantado mo, ang consequence ngayon sa yo ay pagkuha mo ng abogado.”
Makikita sa Facebook post ni Abines na nakahiga si Torre sa isang hospital bed na sinamahan pa ng caption na “Sinugod daw sa ospital si Gen. Nicolas Torre?”
Kinondena ni Abines, isang tagasuporta ng pamilya Duterte, ang ginawa ng mga opisyal sa kanyang tahanan at mga ari-arian.
Aniya, kinumpiska ang kanyang mga gadget nitong Sabado ng madaling araw matapos maghain si Torre ng cyber libel case laban sa kanya, at ang pag-isyu ng search warrant.
“They did not allow me to close my bank accounts, GCash and personal accounts,” saad ni Abines sa kanyang Facebook post.
“When PNP/CIDG invaded my home and confiscated my celfone, they tried to download and prove my celfone for 3 hours on site. I believe what they did was illegal for tampering on my celfone which is an ‘evidence” that’s supposed to be preserved,’” saad niya.
Aniya, wala siyang dapat itago sa mga awtorodad at inakusahan ang CIDG at national police na nag-i-spy sa kanyang accounts.
“I advised all friends to delete me from all Group Chats to protect our personal conversation from prying eyes with malicious motives,” dagdag niya.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF