PINAYUHAN ng kanyang doktor si Philppine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Ricardo Morales na mag-leave of absence muna dahil sa lymphoma.
Sa inilabas na medical certificate ng Cardinal Santos Medical Center, pinagbigay-alam na na-diagnose si Morales ng diffuse large B cell lymphoma, at kinakailangang sumalang sa chemotherapy.
Ang naturang kopya ng medical certificate ay naipadala na sa Senado, na ang ibig-sabihin ay hindi na makasisipot si Morales sa pagdinig ukol sa malawakang korapsyon sa PhilHealth.
“He (Morales) is advised to complete 6 cycles of treatment during which he will be immunocompromised and vulnerable to opportunistic infections. It is therefore in his best interest that I have advised him to take a leave of absence,” ayon sa nabansang certificate.
“He shall undergo a repeat PET CT Scan after completing 6 cycles of chemotherapy after which I shall make a recommendation when he can resume work,” dagdag pa nito.
Bukod kay Morales bigla ring nagkasakit si Arnel de Jesus, executive vice president at chief operation officer 7 ng PhilHealth, matapos magpasa rin ng sulat kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III dahilan para hindi ito makadalo sa susunod na hearing ng Senado sa Agosto 11 dahil sa coronary syndrome.
Sa medical certificate mula Asian Hospital and Medical Center, nakasaad na naka-admit sa kanila si De Jesus mula pa noong August 5.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA