HINIMOK ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Richard Palpal-latoc na sumailalim sa re-training ang lahat ng kapulisan sa buong bansa.
Ito ang reaksyon ni Palpal-latoc sa pagkakabaril ng 6 na pulis-Navotas kay Jemboy Baltazar na nasawi dahil sa kasong mistaken identity.
Anya, mayroon na namang ibinibigay na operational procedures at guidelines ang pamunuan ng PNP sa mga pulis tungkol sa human rights cases pero dapat anya itong sundin upang maiwasan ang paglabag sa karapatang-pantao.
Anya kailangan ding gamitin ng mga pulis ang kanilang body-worn cameras na naka-isyu sa kanila. Ang pulis na nakabaril kay Baltazar ay walang suot na body cameras.
Si Baltazar ay nabaril at napatay makaraang tumalon sa ilog mula sa bangka nang ito ay aarestuhin ng mga pulis.
Una nang kinondena ng CHR ang pagpaslang kay Baltazar na anyay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund