December 21, 2024

Matapos ang NAIA air traffic mess… RESIGNASYON VS CAAP OFFICIALS, HAMON NG INFRAWATCH PH

HINAMON ng local think tank Infrawatch PH ang matataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magbitiw sa kanilang puwesto matapos ang nangyaring NAIA fiasco noong New Year’s Day, na nakaapekto sa libo-libong biyahero.

Sa panayam sa CNN Philippines, inihayag ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, na hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng CAAP sapagkat ang krisis ay nagdulot ng “international embarrassment” sa Pilipinas.

“Dahil ito ay isang international embarrassment, hindi lang ito national humiliation, talagang very important ‘yung panawagan na dapat mag-offer to resign ‘yung high-level CAAP officials na accountable sa publiko,” giit niya.

Ang power outage at technical glitch sa pangunahing paliparan sa bansa ay naging sanhi ng pagkansela ng ilang daang flights, na naging dahilan para ma-stranded ang 65,000 pasahero.

Ayon kay Ridon, ang kakulangan ng budget ay hindi sapat na dahilan para sa CAAP, kung saan binigyang-diin nito na dapat gumamit ang huli ng isang programa upang suriin at ayusin ang kanilang equipment.

“CAAP has billions of pesos in regular, programmed funding for air traffic management system upgrades. The need for upgrades does not explain yesterday’s operational failure, because inasmuch as it is a technical problem, it is also a failure in leadership to determine whether existing upgrade protocols are sufficient to avoid yesterday’s incident,” saad ni Ridon sa hiwalay na pahayag.

Wala pang komento ang CAAP kaugnay sa panawagang resignasyon.

Inilahad noong Lunes ni Sen. Grace Poe, tserman ng Senate Committee on public services, na magsasagawa ang Senado ng imbestigasyon kaugnay sa NAIA mess.

Inihayag naman ng Manila International Airport Authority (MIAA), na magbabalik-normal ang operasyon  sa NAIA sa Enero 4 o 5.