November 1, 2024

Matapos ang magkusunod na bagyo… PBBM TINIYAK NA KONTROLADO ANG SITWASYON

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa sambayang Pilipino na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa pagtugon sa mga kalamidad at siniguro na sapat ang resources para tugunan ang mga ito.

Sa isang pahayag sinabi ni Pangulong Marcos Jr., siniguro ng Pangulo na palalawakin pa ng pamhalaan ang resources nito at kayang kaya ng pamahalaan ang mga gagawing disaster management efforts.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na maaaring mabanat ang mga resources at mga personnel dahil sa epekto ng mga bagyo subalit marami pa aniyang paraan.

Aniya, mayroong sapat na mga assets upang mapagaan ang epekto ng bagyo tungo sa pagrekober at pagbangon.

Puspusan ang paghahanda ng gobyerno sa Super Typhoon Leon habang nagpapatuloy ang relief at recovery efforts sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.

Naka full alert ngayon ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at nananatiling nakahanda na mag deploy ng tulong saan man ito kailangan.