PATAY ang isang katao, habang 95 ang nasagip matapos lumubog ang isang pump boat malapit sa Simara Island sa Romblon ngayong araw.
Ayon sa ulat, dakong alas-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente.
Galing sa bayan ng Calatrava ang pump boat na MB Sto. Niño sakay ang mga pasahero na karamihan ay mga kabataan na galing sa Summer Youth Camp ng Four Squarte Gospel Church.
Special trip ang pump boat para maihatid ang mga stranded na mga pasahero matapos na magsagawa ng dry dock ang regular na pump boat na bumibyahe.
Malakas umano ang alon nang lumubog ang pump boat.
Sa video na kuha ng isang pasahero na si Alden Dy Fajilan, makikita ang pump boat na bahagya na lamang nakalitaw sa tubig habang ang ilang parte nito ay nagkahiwa-hiwalay na.
Makikita rin sa video ang ilang pasahero na nakatayo at nagpipilit na hindi makabitaw sa pagkakapit sa bangka habang ang maraming pasahero ay nakalutang na sa dagat suot ang lifejacket. Isang malaking bangka rin ang makikitang dumating para sumaklolo
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
Mayor, konsehal at kawani, dinakip sa kasong rape
WANTED NA KUMUHA NG POLICE CLEARANCE ARESTADO SA MAYNILA