November 18, 2024

Matapos ang ABS-CBN | SKY CABLE IPINAHIHINTO

Inatasan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Sky Cable Corporation na ihinto ang kanilang direct broadcast satellite.

Ito’y matapos maglabas ng cease and desist order, na pirmado nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, at Deputy Commissioner  Edgardo Cabarios at Delilah Deles, na nakasaad na matagal nang paso ang prangkisa ng Sky Cable Corporation.

“Upon the expiration of R.A No. 7969, Sky Cable Corporation no longer has a valid and subsisting congressional franchise to install, operate and maintain a Direct Broadcast Satellite Service,” bahagi na napakaloob sa kautusan ng NTC.

Ayon sa NTC, Mayo 4, 2020 nang mag-expire ang prangkisa ng Sky Cable Corp.

Sa ilalim din ng kautusan ng NTC, binibigyan ng 10 araw ang Sky Cable para magbigay ng kanilang paliwanag kung bakit hindi dapat ipa-recall ang kanilang mga frequency.

Samantala, inatasan din ng NTC ang Sky Cable na i-refund ang mga ibinayad ng costumers nito, maging iyon man ay sa pamamagitan ng prepaid loads, deposito, advanced payment o ang mga nakolekta mula sa mga bagong aplikante.

Ang Sky Cable Corp. ay affilliate ng ABS-CBN Corporation.