NAKALABAS na ng kanyang kulungan si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes, na sangkot sa multi-billion peso pork barrel fund controversy.
Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na dakong alas-6:30 ng gabi ngayong araw nang makalaya si Reyes mula sa Taguig City Jail Female Dormitory. “She was released by virtue of Petition for Habeas Corpus granted in resolution dated 17 January 2023 by the First Division, Supreme Court of the Philippines,” mababasa sa abiso ng BJMP.
Si Reyes, na dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile, ay nasa ilalim ng kustodiya ng BJMP simula noong Hulyo 2014 base sa commitment order ng Sandiganbayan para sa kasong plunder.
Naghain ng petisyon ang kanyang abogado para sa Habeas Corpus, kung saan nabanggit ang umano’y deprivation of liberty at pagka-delay ng pangdinig sa plunder case na inihain laban sa kanya kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Nabulgar ang pork barrel scam noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust